puso.fdapost.com Open in urlscan Pro
2606:4700:3037::6815:2d4b  Public Scan

URL: https://puso.fdapost.com/
Submission: On April 14 via api from US — Scanned from DE

Form analysis 0 forms found in the DOM

Text Content

Maging updated sa pinakabago at trending na health news! Mag-sign up bilang
member dito.

Mga Kategorya sa Kalusugan



Matuklasan




Tool sa Kalusugan




Komunidad


Tingnan ang lahat ng mga kategorya


Nakatuon ang Lahat

Tingnan ang lahat ng may pagpokus

Kalusugan Ng Kababaihan



Sexual Wellness



Pain, Pain, Go Away!



June is Nat'l Kidney Month



Matuklasan


Mga Kategorya sa Kalusugan



Mga Allergy




Mabuting Pag-iisip




Kalusugan




Orthopedics




Mabuting Pagtulog




Kalusugan ng Mata


Tingnan ang lahat ng mga kategorya


Nakatuon ang Lahat

Tingnan ang lahat ng may pagpokus

Kalusugan Ng Kababaihan



Sexual Wellness



Pain, Pain, Go Away!



June is Nat'l Kidney Month

Tool sa Kalusugan


Mga Health Tool



Kidney Disease Symptoms Screener - Hello Doctor




Kidney Disease Risk Screener




Child Growth Chart




Neuropathic Pain Assessment Tool




Severe Acne Assessment Online - Hello Doctor




Acne Scarring Assessment Online - Hello Doctor


Tingnan ang lahat ng Health Tools


Favorite Tools

BMI Calculator

Alamin ang iyong Body Mass Index (BMI) gamit ang tool na ito.

See More


BMR Calculator

Sukatin ang iyong Basal Metabolic Rate (BMR) gamit ang mga katangian ng iyong
katawan.

See More


Prediabetes Risk Screener



See More

Komunidad


Find your communities



Diabetes




Parenting




Skin Health


Tingnan ang lahat ng komunidad


Highlight Posts

Magpakita pa
Drew
Pregnancy
•
3 years
Ingat mga moms. If you think you are experiencing depression,...
HelloDoctor
Diabetes
•
2 years
Pagkain para sa Gestational Diabetes: Heto ang Dapat mong Kainin
Lanie Senera
Parenting
•
2 years
Lahat ba ng buntis ay dapat magpa BPS ultrasound? 
HelloDoctor
Diabetes
•
2 years
Maagang Sintomas Ng Diabetes Na Dapat Mong Malaman



Masustansiyang Pagkain


Matuklasan

Mga Health Tool

Magtanong sa Doktor

I-save

MGA KOMENTO




IBAHAGI ANG IYONG MGA INIISIP

Maging una sa pagpapaalam sa Hello Doctor ng iyong iniisip!

Sumali sa Hello Doctor
Start a new post

Sumali sa amin o Mag-log in para makasali sa pag-uusap



Explainer


ANO ANG HEALTH BENEFITS NG MANI? ALAMIN DITO!

Narebyung medikal ni Jaiem Maranan, RN MD · General Practitioner

--------------------------------------------------------------------------------

Isinulat ni Lovely Carillo · a




Ang katotohanan, ang mani ay mga legumes na nagtataglay ng halos lahat ng
katangian ng iba pang mga sikat na mani tulad ng pistachio and almonds. Ayon sa
botanika, ang mga mani ay maliit na fruit pods ng isang halaman na tumutubo sa
ilalim ng lupa. Ang ilan sa mga karaniwang pangalan nito ay groundnut at
earthnuts.


HEALTH BENEFITS NG MANI AT SAAN ITO NAGMULA

Ang mga mani ay tumutubo sa ilalim ng lupa at ito ay bunga ng halamang mani.
Noong unang bahagi ng 1800s, sinimulan ng mga Amerikano ang pagtatanim ng mani
bilang isang komersyal na pananim. Sa karaniwan, ang mga Amerikano ay kumakain
ng higit sa anim na libra ng mani bawat taon. Ngayon, 50 porsyento ng mga mani
na kinokonsumo sa Estados Unidos ay kinakain sa anyo ng peanut butter.




MGA HEALTH BENEFITS NG MANI


KALUSUGAN NG PUSO

Sumikat ang walnuts at almonds bilang mga pagkaing “malusog sa puso” dahil sa
mataas na antas ng unsaturated fats nito. Ngunit ang pananaliksik ay
nagmumungkahi na ang mga mani, katulad ng mga mas mahal na mani, ay mabuti rin
para sa kalusugan ng puso.



Nakakatulong ang mani sa pag-iwas sa sakit sa puso sa pamamagitan ng pagpapababa
ng mga antas ng kolesterol. Maaari rin nitong pigilan ang maliliit na pamumuo ng
dugo mula sa pagbuo at bawasan ang panganib ng atake sa puso o stroke.

Ang mani ay mayaman sa mga unsaturated fatty acid, lalo na ang mga
monounsaturated fatty acid. Mayaman dito ito sa mga polyunsaturated fatty acid o
linoleic acids, na nagpapabuti sa lipid profiles at nagpapababa ng mga antas ng
presyon ng dugo.


NAGPAPABABA NG PANGANIB NG GALLSTONES

Ang pagkonsumo ng mani ay nauugnay sa mas mababang panganib ng mga gallstones.
Natuklasan ng isang pag-aaral na isinagawa ng Harvard Medical School at Brigham
and Women’s Hospital sa Boston na ang pagkonsumo ng mani ay maaaring magpababa
ng panganib ng gallstones. Ang mga lalaking kumonsumo ng lima o higit pang
halaga ng mani sa isang linggo ay may mas mababang panganib ng sakit sa
gallstone

Ang mga mani ay mataas sa hibla at malusog na taba. Mayroon din silang maraming
mga sterol ng halaman, mga compound na humaharang sa pagsipsip ng kolesterol.
Ito ay maaaring makatulong sa pagprotekta laban sa gallstones.


TUMUTULONG SA PAG-KONTROL NG BLOOD SUGAR

Ang pagdaragdag ng mani o peanut butter sa pagkain ay hindi nagpapataas ng antas
ng blood sugar. Maaaring magpatatag ng antas iyong blood sugar ang mani o peanut
butter kapag isinabay ito sa mga pagkaing may mataas na glycemic index (GI)
tulad ng bagel o juice. Pinangalanan ng American Diabetes Association ang mani
bilang superfood ng diabetes. 




PROTEKSYON LABAN SA KANSER

Ipinakita ng mga pananaliksik na ang mga mani ay naglalaman ng mataas na
konsentrasyon ng polyphenolic antioxidants, partikular na ang p-coumaric acid.
Sinasabing binabawasan nito ang panganib ng kanser sa tiyan sa pamamagitan ng
paglilimita sa pagbuo ng mga carcinogenic nitrosamines sa tiyan.



Ang mani ay isang mahusay na mapagkukunan ng resveratrol, isa pang polyphenolic
antioxidant. Napag-alaman na ang resveratrol ay nagbibigay proteksyon laban sa:

 * Kanser
 * Sakit sa puso
 * Degenerative nerve disease
 * Alzheimer’s disease
 * Viral at fungal na impeksyon




HEALTH BENEFITS NG MANI AT BAKIT DALA NITO AY ALLERGY

Ang mga mani ay kabilang sa mga pinakakaraniwang pagkain na nagdudulot ng
allergy. Ang nakapagtataka, madalas silang naktitikman sa mga bagay na hindi mo
inaasahan. Halimbawa na lamang ang chili, na maaaring pinalapot ng giniling na
mani. 

At kahit hindi ito tunay na mani,  ang mga protina sa mga mani ay katulad ng
istraktura ng mga nasa tree nuts. Dahil dito, ang mga taong allergic sa mani ay
maaari ding maging allergic sa tree nuts tulad ng almonds, Brazil nuts, walnuts,
hazelnuts, macadamia nuts, pistachios, pecans, at cashews. Kung minsan kusang
nawawala ang ilang mga allergy sa pagkain tulad ng allergy sa itlog o gatas, sa
paglipas ng panahon. Ngunit may mga allergy na tulad ng sa mani at tree nut ay
panghabambuhay sa maraming tao. Kung kaya’t dapat mag-ingat parin sa pagkain ng
mani, lalo na kung may naging ganap sa buhay na allergic dito. 



Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o
paggamot.

Sanggunian

https://www.webmd.com/diet/health-benefits-peanutshttps://www.nationalpeanutboard.org/wellness/what-is-benefit-eating-peanuts-every-day.htmhttps://www.medicalnewstoday.com/articles/325003https://kidshealth.org/en/parents/nut-peanut-allergy.htmlhttps://www.ahajournals.org/doi/10.1161/STROKEAHA.120.031212#:~:text=Peanuts%20are%20rich%20in%20unsaturated,reduced%20risk%20of%20cardiovascular%20disease.

History

Kasalukuyang Version



06/14/2023

Isinulat ni Lovely Carillo

Narebyung medikal ni Jaiem Maranan, RN MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara

--------------------------------------------------------------------------------

Mga Kaugnay na Post


ANO ANG TAMANG ORAS NG PAGKAIN, AYON KAY DR. WILLIE ONG?


MASUSTANSYA BA TALAGA ANG PAGKAIN NG ISDA ARAW-ARAW? ALAMIN DITO!

--------------------------------------------------------------------------------

Narebyung medikal ni

Jaiem Maranan, RN MD

General Practitioner

--------------------------------------------------------------------------------

Isinulat ni Lovely Carillo · a



Loading


Nais ng Hello Doctor na maging iyong pinakapinagkakatiwalaang kaalyado para
makagawa ng mas matalinong mga desisyon at mamuhay nang mas malusog at mas
masaya.

Mag-sign up ngayon

--------------------------------------------------------------------------------

DiscoverHealth ToolsCare

--------------------------------------------------------------------------------

Information

Term Of Use

Hello health

About Us

--------------------------------------------------------------------------------



--------------------------------------------------------------------------------

©2022 Hello Health Group Pte. Ltd. All Rights Reserved. Hello Health Group does
not provide medical advice, diagnosis or treatment.